Featured Post

PDEA Declares Robredo's Hometown Naga as Shabu Capital of the Philippines Following Multiple Arrests

The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) has now declared Naga City the Drug capital of the Philippines following the latest ...

Sunday, September 10, 2017

Ika-100 na kaarawan ni Ferdinand Marcos

By Van Ybiernas
Para sa ika-100 bertdey ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Lunes, Setyembre 11, 2017.

20 years na ako nagtuturo ng kursong Life, Works, and Writings of Jose Rizal sa kolehiyo, ayon sa RA 1425. Sa pagtuturo ko ng kursong ito, ang punto parati ay MATUTO ANG KASALUKUYANG HENERASYON kay Rizal. Hindi minememorize ang lahat ng detalye tungkol kay Rizal. Pinag-aaralan si Rizal upang may matutunan sa kanya na magagamit sa kasalukuyang panahon.

Ganyan din kay Pangulong Marcos at sa iba pang namatay na. Kailangan may matutunan tayo sa kanila na magagamit pa natin sa kasalukuyang panahon. Kung wala na tayong matututunan sa kanya ---sa kanila--- mawawala na rin sa alaala ang mga taong namatay na ito.

Ano ba ang matututunan natin kay Marcos?

Kung mga Dilawan ang sasagot sa tanong na ito, ang isasagot nila ay dapat matuto tayong huwag na bumotong muli ng isa pang Marcos (kayo yun, BBM at Imee!). Kaya nga may #NeverAgain pa ang mga ulol na ito. Opo, ulol talaga sila in the true sense of the word!

Seriously, ano ang binuti natin na matutunan ang ganyang lesson? Ipinapakita lamang nito ang napakakitid na klase ng pag-iisip. Isa pa, nag-i-invite lamang sila ng defiance mula sa mga taong nag-iisip para sa sarili nila. Hahahahaha. Nasabi ko na nga dati pa na Dilawan ang pamilya ko. Once upon a time, ako rin ay Dilawan. Pero, kagaya rin ng nasabi ko na tungkol sa kasaysayan, mas mahalaga ang kasalukuyan kesa nakalipas; alipin ng kasalukuyan ang nakalipas sa pag-aaral ng kasaysayan.

So, ano ang lesson to be learned from Ferdinand Marcos?

Ito ang lesson to be learned, na sana ay natutunan ng pamilyang Marcos sapagkat hindi pa ito natututunan ng mga Dilawan: nasira ang Pangulong Marcos nang makita ng bayan na inuna nya ang sarili at pamilya bago ang bayan. Makikita ito sa pag-accumulate nila ng kayamanan. Kaya nga napakagandang balita para sa akin yung may plano ang pamilya na isauli ito sa pamahalaan. Siyempre pa, kailangan lang busisiin ang detalye nito.

Huwag pabayaan ang bayan! Iyan ang lesson to be learned sa buhay ni Pangulong Marcos. Mula 1960s hanggang 1970s ay napakaganda ng sitwasyon ng bayan. Kung si Marcos man ang dapat mag-claim ng credit dito o hindi ay pwede pagdebatehan ---na ayaw kong gawin dito--- pero malinaw na maganda ang lagay ng bayan sa loob ng panahong ito. Medyo babagsak ang lagay ng bayan noong 1980s. Iyan ang nagpabagsak kay Marcos.

Sinabi ko na ito sa Dulowtard History Live episode noong Agosto ---noong NInoy Aquino episode namin. Mataas ang popularidad ni Marcos hanggang late 1970s. Nasira ang popularidad na ito dahil sa krisis na pinagdaanan ng bansa noong 1980s. Pwede rin pagdebatehan kung si Marcos ang may kasalanan dito o hindi ---na ayaw ko ulit gawin dito. Pero iyan ang sumira sa kanya.

So, ano ang matutunan sa buhay ni Marcos? Una parati ang bayan. Kung maganda ang lagay ng bayan, mananatiling mataas ang pagtingin ng bayan sa kanilang lider. Kapag nag-struggle ang bayan, pagbabalingan nila ng galit ang kanilang mga lider. It is what it is. Ganyan na yan simula pa noong unang panahon. Ganyan pa rin yan hanggang sa katapusan ng panahon.

Bakit popular si PRRD ngayon? Sapagkat nakikita ng bayan ang pagsusumikap ni PRRD na paunlarin at pagandahin ang lagay ng bayan. Performance. Achievement. Accomplishment. Yan ang pinakamahalaga sa lahat. Kapag yan ay nagawa, mamahalin ka ng bayan.

Iyan din ang dahilan kung bakit kahit paulanan ng isyu ang alaala ni Marcos, hindi pa rin natitibag ang suporta ng bayan sa kanya. Sapagkat nakikita pa RIN nila ang mga nagawa ni Marcos. It is what it is.

PERFORMANCE
ACHIEVEMENT
ACCOMPLISHMENT

Yan po ang lessons of history.

Paano na ang human rights violations? Maigsing sagot: hangga't hindi nade-deny na ang mga biktima ng human rights violations ay mga rebelde ---mga kalaban ng estado--- kayang ma-defuse ang impact ng human rights violations sa memory ni Marcos. Sure, may mga Archimedes Trajano at Boyet Mijares, pero hindi nadadala ng mga individual examples ang bayan. KABUUAN ang isyu, hindi mga individual examples.

E yung pagnanakaw? Yan ang mabigat na isyu, actually. Kaya nga isasauli na nila, di ba?

Say what you want about the Marcoses, but these people are smart and they know what they are doing. 30 years after EDSA tapos Martial Law/Marcos regime of the 1980s pa rin lang ang kaya nyong ibato sa kanila?

Do you see now why you haven't successfully destroyed them? No? THAT is the problem.

Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahaa

No comments: