Featured Post

MABUHAY PRRD!

Wednesday, September 20, 2017

HUWAG PAKINGGAN SI DUTERTE, PANOORIN KUNG PAANO SIYA KUMILOS BILANG PINUNO.

By Van Ybiernas


Ito ang di ko maintindihan e.

Panay ang atake sa pangulo. Gustong pahiyain ang pangulo. E hindi naman nare-reelect ang pangulo. After 6 years kailangan bumaba naman sa pwesto ang pangulo. So, ano ang point?

Sinisiraan para masunog ang partido kagaya ng sunog na nangyari kay Noynoy at sa Liberal Party? E wala naman talagang partido si Duterte! Comedy lang ang PDP-Laban. Madami nga sa mga Duterte supporters ---gaya ko--- panay din ang banat sa PDP Laban at sa mga opisyales nito gaya nina Koko Pimentel at Panty Alvarez.

Sinusunog nila si Duterte na di naman masunog-sunog kasi bagaman seryoso ang pamamahala ng pangulo puro gaguhan halos ang sinasabi nya. Paano mo susunugin ang ganyan? Sasabihin mong gaguhan ang sinasabi nya? E sa umpisa pa lang alam na ng lahat na gaguhan ang usapan at salitaan nyan. Yung KILOS nya ang seryoso, hindi ang salita.

Bago pa mag May 9, 2016 sinabi ko na: HUWAG PAKINGGAN SI DUTERTE, PANOORIN KUNG PAANO SIYA KUMILOS BILANG PINUNO.

Ano ang sinusunog nyo? Ano ang winawasak nyo? Ano ang pinaghihirapan nyo (bilib nga ako at nag-e-effort kayo ngayon kasi alam ng lahat na nuknukan kayo ng TAMAD).

Sabi nga: kung sino man daw ang gustong sirain/wasakin ng Bathalang Zeus (hindi Salazar, kundi yung diyos ng mga Griyego), ginagawa nya munang baliw!

Tralalalalalalalalalalalalalalalalalalala!

Sino ang nababaliw? Yung may ginagawang walang pinatutunguhan! Hahaha!

Tralalalalalalalallalalalalalalalalalalalalallalalala!

No comments: