Featured Post

PDEA Declares Robredo's Hometown Naga as Shabu Capital of the Philippines Following Multiple Arrests

The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) has now declared Naga City the Drug capital of the Philippines following the latest ...

Monday, September 4, 2017

Duterte, binansagan si Trillanes na 'Trililing' at 'political ISIS'

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV sa isang ambush interview sa Davao City kaninang madaling araw, Setyembre 3.
Tinawag ng pangulo si Trillanes na 'Trililing' at 'Political ISIS' dahil sa patuloy na pagdawit sa pangalan ng kanyang pamilya sa katiwalian sa Bureau of Customs kahit walang matibay na ebidensya. 
Advertisement
"With the coming of the ISIS, just like etong si Trillanes, ang political ISIS. Wala namang alam, basta gusto, bira lang nang bira. Akala niya, tama siya" ani Duterte.
Papayuhan niya raw ang panganay na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na dumalo sa hearing ng Senado pero huwag nang sumagot sa mga itatanong ni Trillanes.
"Ang advise ko kay Pulong, punta ka doon. Pagdating doon, pag-question, I will not answer you. I am invoking my right of silence. If you want evidence Mr. Trililing, do not get it from the mouth of other people, go somewhere else," ani Duterte.
Pahayag naman ni Trillanes, hindi siya bababa sa lebel na pagbibigay ng bansag. Pero giit ng senador, hindi naman galing sa kanya ang alegasyon laban sa anak at manugang ng pangulo kundi sa testimonya mismo ng testigo ni Senador Richard Gordon na si Mark Taguba.
"Nandoon lahat 'yan. On record. Hindi natin ito inimbento. And by the way, testigo ni Sen. Gordon at ng blue ribbon committee itong si Taguba," ani Trillanes. 
"Sinasabing ina-abswelto niya itong dalawa, wala siyang power na ganun. Resource person lang siya," aniya.
Sabi pa ni Trillanes, personal niyang nakilala ang pangulo bago ang 2016 elections at tinawag niya si Duterte bilang "utak hitman."
"Kinuwento niya sa 'kin 'yung mga pinatay niya at papaano niya pinatay. Parang may problema ang mama na 'to. Na 'yung utak niya pang hitman eh."
Inilabas ng pangulo ang patutsada kay Trillanes matapos dumalo sa 41st birthday ni Davao City 1st district Representative Karlo Nograles noong Sabado ng gabi.
Nanumpa si Nograles sa PDP-Laban at tinawag siya ni Duterte na susunod na pangulo. 
-- Ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News
http://news.abs-cbn.com/news/09/03/17/duterte-binansagan-si-trillanes-na-trililing-at-political-isis

No comments: